Hay...
Sa palagay ko, iniisip pa rin kita
sabi mo sa looby.
Nasa Lab na ako.
mata ay naka-pako
sa kwadradong bagay na ito.
malakas ang aircon
Malamig...
'Sing lamig ng pakikitungo mo,
kanino pa?
Eh di sa akin...
Ayaw ko sa tipikal
pero gusto kita.
Hindi lang gusto
Gusto kitang angkinin,
Sabi mo akin ka na.
Ngunit saliwa
ang aking nasa pakiramdam
hay...
palagay ko iniisip pa din kita...
Mag-aalas-onse na
tahimik pa din ang cellpone ko
Piso lang, PISO..
Ganun ba kamahal sabihin
kung nasaan ka?
-- Oyayi ko habang nakikinig sa nakabinging katahimikan ng PC LAB 9 --
Posted at 08:21 am by ichikyuti
Permalink